^

Bansa

Mayor natigok habang kasalo si GMA

-
Ikinalungkot ng Malacañang ang pagkamatay ni Mayor Narcisita Moran ng Jabonga, Agusan del Norte na inatake sa puso sa Palasyo pagkaraan ng isang hapunang handog sa mga lokal na opisyal ng bansa ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na bandang alas-8 ng gabi nang atakehin sa puso si Moran pagkatapos ang hapunan nila sa Pangulo at dinala ito sa ospital subalit ideneklarang dead on arrival.

Ang ginanap na Christmas dinner sa Malacañang ay bahagi ng serye nang paghahandog ng Pangulo sa ibat ibang lokal na opisyal para malaman ng ehekutibo ang lagay ng mga isinusulong na proyekto ng pamahalaan.

Sinabi ni Tiglao na kung dati ang Pangulo ang nagtutungo sa mga lalawigan lalo na sa mahihirap na lugar ngayon ay nais nitong makausap ang mga lider ng ibat ibang lokalidad.

Itinanggi rin ni Tiglao na mayroong ipinamamahaging tig-P1 milyon ang Pangulo sa mga local na opisyal ito umano ay para sa inilunsad na programa ng pamahalaan para sa pagtatayo ng maliliit at katamtamang laking mga negosyo na makakalikha ng empleyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

AGUSAN

AYON

IKINALUNGKOT

LILIA TOLENTINO

MALACA

MAYOR NARCISITA MORAN

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with