X'mas card na may bomba ikakalat
November 18, 2002 | 12:00am
Pinag-iingat ang publiko sa pagtanggap ng mga greeting cards lalo na ngayong darating na Pasko dahil posibleng ang mga itoy "letter bomb".
Ang babala ay ipinalabas ng mga awtoridad matapos tumanggap ang embahada ng Myanmar noong Biyernes ng isang musical card na may nakakabit na blasting caps,leg wires,aluminium foil at tatlong battery.
Malaki ang paniniwala ng Philippine National Police (PNP) na isang uri na naman ng paghahasik ng takot ang ginagawa ngayon ng mga terorista sa pagpapadala ng letter bomb.
Kaya agad na nakipag-ugnayan si PNP chief, Director General Hermogenes Ebdane sa mga embahada ng ibat ibang bansa sa Pilipinas na agad tumawag sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya upang masiyasat ng mga tauhan ng Explosive and Ordinance Division (EOD) ang mga darating na sulat at pakete na papasok sa kanilang tanggapan.
Nagbigay rin ito ng direktiba sa Philippine Postal Office (PPO) na maging maingat sa pagdadala ng mga sulat at pakete buhat sa ibang bansa dahil sa posibleng may susunod pang letter bomb na papasok sa Pilipinas.
Ang naturang letter bomb na pinadala sa embahada ng Myanmar ay maaaring ikamatay o ikawasak sana ng mukha at pumutol ng braso ng taong nagbukas nito. Subalit hindi naman sumabog.
Hinihinala na may kinalaman ang grupong Jemaah Islamiyah sa pagpapadala ng letter bomb dahil sa meron umanong radikal na grupo ng mga Muslim sa Myanmar na posibleng may kaugnayan dito.
Binalaan rin ng pulisya ang publiko sa pagtanggap ng mga sulat at pakete na hindi nila alam kung kanino galing na dadagsa ngayong Kapaskuhan.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest