^

Bansa

Suspek sa lotto murder bf ng ampon

-
May relasyon umano sa isa sa dalawang tinutugis pang suspek ang ampong bakla ng P19 milyong lotto winner na pinaslang matapos looban ng mga armadong lalaki sa bahay nito sa Antipolo City noong nakalipas na Oktubre 28.

Ang anggulong ito ay isinigaw ng ilan sa 10 naarestong suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Antipolo City police na nasampahan ng kasong robbery with homicide, carnapping at illegal possession of firearms sa Prosecutors Office ng lungsod.

Sinabi ni Antipolo City chief of police, P/Supt. Jose Dayco na masusi pang iniimbestigahan ang sinasabing relasyon umano ni Reynan Eupena, 31, sa pinaghahanap pang suspek na kinilala lamang sa alyas na Randy na umano’y lover boy ng ampon.

Base sa pahayag ng ilan sa naarestong mga suspek, laging binibigyan ng ampon ng malaking halaga ng pera si Randy matapos nitong aminin na tumama sa lotto ang biktima.

Si Reynan ay anak-anakan ng biktimang si Arturo Gallardo Eupena, 58, na binaril at napatay ng pasukin ng mga suspek sa pangunguna ng itinuturong mastermind na si Reynaldo Velasco sa tahanan nito sa Lot 2 Blk 9 Nazareneville subdivision nabanggit na lungsod.

Ayon kay Dayco, posible rin umanong istratehiya lamang ng mga suspek ang pagsasabi ng mga itong ka-relasyon ni Reynan ang suspek na si Randy upang ilihis ang imbestigasyon.

Maliban kay Randy, pinaghahanap pa rin ang isang alyas Bert na kasama sa grupo ni Velasco. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTIPOLO CITY

ARTURO GALLARDO EUPENA

AYON

JOSE DAYCO

JOY CANTOS

PROSECUTORS OFFICE

REYNALDO VELASCO

REYNAN EUPENA

SI REYNAN

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with