^

Bansa

Impeachment vs Tancangco ibinasura sa House

-
Makakahinga na ng maluwag si Comelec Commissioner Luzviminda Tancangco matapos ibasura kahapon ng House committee on justice ang impeachment complaint laban sa kanya. Sa ginawang pagdinig ng komite, ibinasura ang impeachment complaint sa botong 36 kontra 16 at 3 abstain.

Subalit sa kabila nito, naniniwala si Bacolod City Rep. Monico Puentevella na hindi pa tapos ang laban dahil pagbobotohan pa ito sa plenaryo kapag iprinisinta ng komite ang kanilang referendum.

Matatandaan na isinampa ang reklamo sa tulong ng civil society sa pangunguna ni Namfrel chairman Jose Concepcion Jr.; Makati Business Club executive director Guillermo Luz; Akbayan president Jose Eliseo at Kongreso ng Mamamayang Pilipino (KOMPIL) sec-gen. Rolando Lobrojo.

Inakusahan si Tancangco, chairperson ng modernization committee ng Comelec, na nagkanulo sa tiwala ng publiko at lumabag sa probisyon ng Saligang Batas dahil sa kanyang kabiguang ipatupad ang RA 8536 o modernisasyon ng halalan na nagresulta sa talamak na dayaan sa eleksiyon. (Ulat ni Malou Escudero)

BACOLOD CITY REP

COMELEC COMMISSIONER LUZVIMINDA TANCANGCO

GUILLERMO LUZ

JOSE CONCEPCION JR.

JOSE ELISEO

MAKATI BUSINESS CLUB

MALOU ESCUDERO

MAMAMAYANG PILIPINO

MONICO PUENTEVELLA

ROLANDO LOBROJO

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with