Sinibak na police BoC director ibalik CA
October 14, 2002 | 12:00am
Inatasan ng Court of Appeals ang Office of the Ombudsman at ang Bureau of Customs na ibalik sa kanyang posisyon si BoC director Virgilio M. Danao na nauna ng sinibak dahil sa kasong dishonesty.
Sinasaad sa isang resolusyon na may petsang Sept. 26,2002 ang isang temporary restraining order sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman at ng isang Roseller Rojas na nagpapataw ng parusang pagsibak mula sa kanyang tungkulin na ipinalabas noong Feb. 27,2002.
Ang desisyon ng appelate court ay nagmula kina CAs Special 11th Division Associate Justice Mercedes Gozo-Dadole, Associate Justices Amelita G. Tolentino at Sergio L. Pestano.
Nabatid mula sa ilang taga-Customs na isang big-time smuggling syndicates ang siyang umanoy gumawa ng paraan upang masibak si Danao sa kaniyang tungkulin, gayong ito ay mayroong hindi matatawarang service record.
Nabatid na si Danao ay 42 taon ng naglilingkod sa pamahalaan ay nakatakdang magretiro sa Oct. 27,2004.
Kaugnay pa nito ay pinaalalahanan din ng abogado ni Danao na si Dante O. Tinga si Customs Commissioner Antonio M. Bernardo na igalang ang court order at muling ibalik ang kaniyang kliyente sa pagsisimula ng effectivity date ng TRO. Ang tipikal na Court of Appeals TRO ay dapat may bisa sa loob ng 20 araw. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended