2 Sayyaf inmates nakatakas sa Bicutan
October 14, 2002 | 12:00am
Dalawang pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf ang nakatakas matapos magpanggap at magsuot ng damit pambabae habang nagaganap ang malakas na ulan sa Metro Manila Rehabilitation Center (MMRC), Bicutan, Taguig kamakalawa ng umaga.
Kinilala si Supt. Romeo Vio, jail warden ng MMRC ang mga nakatakas na sina Iting Sailani alias Nadjapa Kiram at ang kapatid nitong si Anni Sailani alas Alib Sailani.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng umaga mula sa kanilang detention sa nabanggit na kulungan.
Nabatid na nagpanggap at nagsuot ng damit pambabae ang magkapatid na Abu Sayyaf upang hindi sila mahalata sa kanilang gagawing pagpuga.
Hindi umano namalayan ng mga naka-duty na jail officer na sina JO1s Jerick Pilapil; Danilo Ontenillas at Joseph Villegas ang isinagawang pagpuga ng naturang mga suspek dahil sinamantala nila ang kalakasan ng ulan.
Nabatid na ang dalawang suspek ay sangkot sa sunud-sunod na kidnapping sa ilang area sa Mindanao.
Dahil sa naturang insidente, sinibak ng Department of Interior and Local Government si Supt. Vio na siyang nakatalaga bilang jail warden at agad na pinalitan ni Supt. George Talania. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest