Al-Qaeda base nasa Bulacan
October 10, 2002 | 12:00am
Nasa Bulacan na ang kuta ng umanoy sangay ng teroristang Al Qaeda ni Osama Bin Laden na kung saan isa sa aktibong miyembro nito ay ang teenager na pamangkin ng action star na si Robin Padilla.
Sinabi ni Sr. Supt. Mario Sandiego ng Tarlac Provincial Police na mula sa dalawang sitio sa Barangay San Clemente, Tarlac at sa isang isla sa Anda, Pangasinan ay inilipat ng Al Qaeda ang kanilang training camp sa Bulacan na kalapit lang ng Metro Manila.
Natuklasan ang kuta ng Al Qaeda sa mga nabanggit na lalawigan makaraang makaenkwentro ng Tarlac Philippine National Police (PNP) ang pitong hinihinalang mga Al Qaeda trainee sa isang terminal sa Brgy. San Nicolas, Tarlac, City noong Mayo 1 ng taong ito.
Napaslang ng mga awtoridad ang isang Khalid Amir at naaresto ang isang nagngangalang Omar Mayuno, alyas Dexter ng Pasong Tamo, Makati.
Inamin ni Mayuno na sila ay miyembro ng Haraka" na nakumpirmang kaalyado ng Jeemah Islamya ng Indonesia at itinuturong Southeast Asian network ng Al Qaeda.
Base sa impormasyong nakuha kay Mayuno sinalakay ng pinagsamang pwersa ng pulisya at militar ang itinuturong kuta ng Al Qaeda sa Anda at San Clemente kung saan anim na aktibong miyembro nito na sumasailalim sa pagsasanay ang naaresto kabilang ang teenager na pamangkin ni Padilla na isang Muslim convert.
Isang Saudi national na kinilalang si Sheik Hamod at tinukoy na lider ng kuta sa Anda ay nakaligtas sa naganap na pagsalakay at gayundin ang lider ng kuta sa San Clemente na nakilala namang si Abdurakman Abdul Quirante na isang Islamic teacher.
Nakumpiska rin sa pagsalakay ang matataas na uri ng baril, chemicals na gamit sa paggawa ng bomba, high-tech communication gadgets, night goggles at mga dokumentong nagpapatunay ng kuneksyon nito sa international terrorist na si Bin Laden.
Idinagdag din ni San Diego na makaraang salakayin ng mga awtoridad ang mga kuta sa Anda at San Clemente ay kapuna-punang nanahimik ang pagkilos nito.
Samantala ay hinamon naman ni Sen. Robert Barbers si PNP chief Hermogenes Ebdane na huwag nang hintayin pa na makapaghasik ng lagim ang Central Luzon base Al-Qaeda at agad na lusubin at arestuhin ang mga miyembro nito.
Ito ay makaraang mabatid na muling binubuo ng nabuwag na grupo mula sa Anda at San Clemente ang kanilang puwersa sa Bulacan.
Napag-alaman pa na ipinangalan sa Filipino-Muslim na bayani na si Rajah Solaiman ang bagong tatag ng grupo ng Al Qaeda sa Bulacan at tinawag itong Rajah Solaiman Revolutionary Committee. (Ulat nina Rudy Andal at Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended