OFWs patuloy na dumadagsa sa ME
October 5, 2002 | 12:00am
Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, mas gugustuhin pa rin ng mga Pilipino na manatili sa Middle East kung saan umaabot sa 941 OFWs ang nagtutungo doon araw-araw.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, chairman ng House committee on foreign relations, mas nanaisin pa rin ng mga Pinoy workers na makipagsapalaran sa ME sa kabila ng lumalalang sitwasyon sa nasabing lugar sanhi ng napipintong giyera ng Amerika at Iraq.
Base sa talaan ng POEA, 35.39% o 197,622 bilang ng OFWs sa buong mundo ay nakabase sa ME. Ang tinatayang total na bilang ng OFWs sa buong mundo ay 7.3 milyon.
Tatlong bansa sa ME na may pinakamaraming manggagawang Pinoy ay ang Saudi Arabia (127,432), United Arab Emirates (31,202), at Kuwait (15,362).
Sa Asya, ang Hong Kong (69,464) ang pangunahing destinasyon ng OFWs, sinundan ng Japan (44,549), Taiwan (29,078), Singapore (19,224) at Brunei (7,748).
Samantala ang Italy at UK ang pangunahing destinasyon ng mga Pinoy workers sa Europe. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest