GMA di aatrasan si FPJ sa 2004
September 29, 2002 | 12:00am
Hindi umano aatrasan ni Pangulong Arroyo sa pampanguluhang halalan sa darating na 2004 ang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.
Ito ang sinabi kahapon ni Justice Secretary at Lakas-NUCD spokesman Hernando Perez kasabay ng pagsasabing hindi sila natatakot kay FPJ.
Sinabi pa ni Perez na malakas pa rin ang popularidad ni Pangulong Arroyo bukod dito kitang-kita pa umano ng publiko ang sipat nito at katapatan sa paglilingkod sa taumbayan.
Ipinagkibit-balikat din ng kalihim ang naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na sinuman ang lumaban kay GMA sa 2004 presidential elections ay tiyak na mananalo dahil sa mga kapalpakan nito para pamunuan ang bansa.
"Nagpapalakas lang ng loob ang oposisyon, hindi kami natatakot kay FPJ dahil naniniwala kami na malakas pa rin ang Pangulong Arroyo," ayon pa kay Perez.
Nilinaw naman nito na mataas pa rin umano ang kanyang respeto kay FPJ at naniniwala na hindi ito papasok sa pulitika. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest