Whistle-blower sa Macapagal road scam hinamong magpa-lie test
September 28, 2002 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Public Estates Authority (PEA) chairman Ernest Villareal si PEA director Sulficio Tagud na pangatawanan na nito ang pangakong magpapa-lie detector ito hinggil sa mga inaakusa nitong anomalya sa overpricing sa isang bahagi ng President Diosdado Macapagal blvd.
Binigyang-diin ni Villareal na handa rin ang PEA board na sumailalim sa isang lie detector test anumang oras, at yaman din lamang na si Tagud ang naghamon, walang dahilan ang director para umatras ito ngayon.
Pinuna ni Villareal na siya at ang buong PEA ay nakabakasyon na kaya wala nang maikakatuwirang takot si Tagud na baka mamaniobra nila ang imbestigasyon o mga dokumentong kailangan dito.
"Paulit-ulit nang sinasabi ni Ginoong Tagud na mayroon siyang ebidensiya na kami ay may ginawang kamalian. Samakatuwid, mas lalo na niyang dapat ilabas kung anuman ito sa halip na sintensiyahan kami sa media. Tutal, nakabakasyon na kami," wika ni Villareal.
Dapat anyang isagawa ang lie detector test sa publiko at mayroon dapat itong kumpletong media coverage para mas matiyak na walang kikilingan sinuman. Maari itong isagawa ng isang tanggapang walang kinalaman sa usapin tulad ng NBI. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended