^

Bansa

San Juan, lugar ng malalaking krimen

-
Nakikilala na umano ngayon ang San Juan bilang lugar na laging pinangyayarihan ng malalaking krimen sa Metro Manila dahil sa kawalan ng police visibility.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada (5th district), kung maagang lumalabas sa lansangan ang mga pulis sa San Juan ay maaaring hindi naganap ang pagdukot sa dalawang anak ni Negros Occidental Rep. Jules Ledesma (1st district).

Kabilang sa mga malalaking krimen na nangyari sa San Juan ang Nida Blanca murder case, pagpaslang kay Arnie Tuadles ni Ambet Antonio na kaibigan ni dating pangulong Estrada, ang pagbaril ni Rolito Go kay Eldon Maguan sa isang traffic incident at ang pinakahuli ay ang pagkidnap sa dalawang anak ni Ledesma.

Maliban sa kaso ni Nida Blanca, ang mga nabanggit na krimen ay naganap sa kalsada.

Magugunitang sa San Juan rin natagpuan ang isang factory ng shabu kamakailan.

Lumalabas umano na mahina ang police visibility sa San Juan kaya nagkakaroon ng patayan kahit na simpleng traffic incident. (Ulat ni Malou Escudero)

AMBET ANTONIO

APOLINARIO LOZADA

ARNIE TUADLES

ELDON MAGUAN

JULES LEDESMA

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

NEGROS OCCIDENTAL REP

NIDA BLANCA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with