'Kidnappers ko' wag bigyan ng parole!
September 12, 2002 | 12:00am
Nakiusap kay Pangulong Arroyo ang kidnap victim at dating La Salle coed na si Agnes Guirindola na huwag bibigyan ng parole ang dalawang kidnapper niya na kamakailan ay hinatulan ng kamatayan.
Ang kahilingan ay ginawa ni Agnes nang bisitahin siya ng Pangulo sa kanilang tahanan sa La Milagrosa Village sa Marikina City.
Sa kanilang pag-uusap, pinuri ng Pangulo si Agnes sa determinasyon nitong isulong ang kaso laban sa mga kidnapper na sina Venancio Roxas at Roberto Gungon na dumukot sa kanya noong 1994.
Si Agnes, 20 anyos noon at estudyante ng engineering sa DLSU ng makidnap nina Roxas at Gungon habang nagmamaneho ng kanyang kotse sa Panay Ave., QC noong hapon ng Enero 12, 1994.
Dinala siya ng dalawa sa Batangas at doon ay pinilit na pinainom ng sodang may pampatulog.
Nang magising si Agnes dakong alas-10 ng gabi ay nilimas na ng dalawa ang kanyang wallet at kinuha ang kanyang mga suot na alahas. Nang sabihin niyang kailangan niyang umihi, dinala siya ni Gungon sa isang madamong lote at doon na siya binaril sa mukha.
Nang magkamalay, may dugong umaagos sa kanyang pisngi at leeg. May isang kilometro ang nilakad niya hanggang sa makarating sa isang dampang may tao na hiningan niya ng tulong. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended