Jordanian terrorist boss nakapasok sa RP
September 7, 2002 | 12:00am
Isang Jordanian national na tinaguriang "terrorist boss" ng umanoy kaalyado ni Saudi billionaire Osama bin Laden ang pakay ngayon ng pagtugis ng mga intelligence operatives ng Eastern Police District (EPD) at Bureau of Immigration and Deportation (BID) matapos na umanoy makapuslit ito papasok sa bansa kamakailan.
Kinilala ang suspek na si Ivan Mahmoud na naatasan umanong magtayo ng terrorist cell sa bansa.
Ayon kay EPD director P/Chief Supt. Rolando Sacramento, nadiskubre ang plano hinggil sa posibleng pagtatatag ng international terrorists network al-Qaeda matapos maaresto ang ilang Pilipinong kasabwat ng mga ito na umanoy siyang nagsisilbing mga operator ng linyang pang-komunikasyon ng grupo ng mga international terrorist.
Nabatid kay Sacramento na marami umanong mga multi-national companies ang nagreklamo hinggil sa napakaraming overseas call bills na hinihinalang kagagawan ng mga galamay ni bin Laden.
Karamihan sa kasabwat nitong mga Pinoy ay mga "hackers" ng international telephone direct lines ng mga malalaking kumpanya upang umanoy illegal na pagserbisyuhan ang mga dayuhan partikular na ang mula sa Middle East at South Asian kapalit ng mababang singil.
Nag-umpisang magduda ang pulisya matapos maaresto kamakalawa si Marion Laquindanium, 20, ng Tunasan, Muntinlupa City na umanoy kasabwat ng mga dayuhang terorista na hindi umano binabayaran ng buwanang suweldo kundi isang modernong sasakyan. Ang nasabing kotse ay nakatakda pang ipadala ng nasabing Jordanian boss nito sa suspek.
Si Laquindanium ay nahuli dakong alas-7 ng gabi sa bahay nito matapos madiskubre ng PLDT ang hindi awtorisadong tawag sa telepono na minamaniobra nito sa Muntinlupa city.
Nasamsam sa pag-iingat nito ang mga telephone sets, cellphones, telephone exchange board o PABX, compact disc drive at iba pang electronic gadgets.
Nilinaw naman ni Sacramento na patuloy pa rin nilang ini-establish kung ang grupo ni Mahmoud ay talagang lehitimong al-Qaeda o simpleng hackers na nambibiktima ng malalaking kumpanya ng telepono sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended