^

Bansa

Canada maluwag sa pagpasok ng OFWs

-
Magandang balita para sa mga manggagawang Pilipino!

Niluwagan na ng Canada ang kanilang pagtanggap ng mga manggagawang Pilipino na ang target nila ay 250,000 foreign workers.

Sinabi ni Canadian Ambassador Robert Collette, bukod sa mga Pilipina nurses na pangunahing kailangan sa Canada ay kailangan din nila ang mga skilled workers.

Kabilang sa mga criteria ng pagpili ng skilled workers ay ang kanilang edukasyon, lengguwahe, edad at karanasan sa trabaho.

Sa kanilang bagong Immigration and Refugee Protection Act na epektibo noong Hulyo ay nagpapahintulot sa isang pamilya na tumungo sa Canada mula sa pagpoproseso ng anim na buwan sa kanilang mga visa at sponsor.

Sa lumang batas, tanging isang miyembro sa pamilya ang pinapayagan na tumungo sa Canada at ipepetisyon na lamang ang kanyang kaanak.

Base sa rekord, sinabi ni Collette na pang-apat ang Pilipinas sa mga may pinakamataas na bilang ng pagpapadala ng mga manggagawa. Una ay ang China, pangalawa ang India at pangatlo ang Vietnam.

Nakasaad din sa kanilang batas ay ang pagkakaroon ng refugee protection, family reunification, expanded family class, safety and security of Canadians borders at madaliang pagpapatibay ng pagpasok ng mga pansamantalang trabahador at estudyante. Nagkakaloob din ng short term course gaya ng Information Technology na maaaring pag-aralan ng mga estudyante sa loob ng anim na buwan na hindi na kailangan pa ang authorization.

Sa kasalukuyan ay nasa 400,000 Pilipino na ang naging Canadian citizen. (Ulat ni Ellen Fernando)

CANADIAN AMBASSADOR ROBERT COLLETTE

COLLETTE

ELLEN FERNANDO

HULYO

IMMIGRATION AND REFUGEE PROTECTION ACT

INFORMATION TECHNOLOGY

KABILANG

MAGANDANG

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with