^

Bansa

Patas na maternity leave sa married, unmarried female employees hiling

-
Matatanggap na rin ng mga babaeng walang asawa subalit nagdadalang-tao ang benepisyong nakukuha ng mga married women sa kanilang maternity leave sa sandaling pumasa ang panukalang batas 4302.

Layunin ng nasabing panukala na inihain ni Pasay City Rep. Consuelo Dy na magkaroon ng parehong benepisyo ang mga dalagang nagdadalang-tao pero walang asawa at ang mga married pregnant employees.

Sinabi pa ni Dy na kung tutuusin, mas dapat bigyan ng proteksiyon ang mga buntis na single women dahil kalimitan ay wala silang financial support na natatanggap sa ama ng kanilang anak.

Ayon pa kay Dy, ang gobyerno ang may pinakamaraming empleyadong babae, pero ito rin ang nangunguna sa paghingi ng marriage certificate bago ibigay ang maternity leave benefits.

Marami rin aniyang pagkakataon na ang pagbubuntis ng walang asawa ang nagiging dahilan sa pagkakadismis sa trabaho ng isang dalaga.

Sinuportahan naman ng Department of Labor and Employment na hindi lamang ang kapakanan ng ina ang dapat bigyang halaga kundi dapat ding isaalang-alang ang kapakanan ng bata.

Sinabi pa nito na ang mga empleyadang nagdadalantao sa pribadong sektor, may asawa man o wala, ay may pantay na benepisyong nakukuha alinsunod sa itinakda ng Social Security Act of 1997. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

CONSUELO DY

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LAYUNIN

MALOU ESCUDERO

MARAMI

MATATANGGAP

PASAY CITY REP

SINABI

SOCIAL SECURITY ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with