^

Bansa

Parayno itatalagang BIR chief

-
Pormal na ihahayag ng Malacañang sa darating na Miyerkules si dating Customs Commissioner Guillermo Parayno bilang bagong hepe ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos ang ilang linggong paghahanap ng makakapalit sa binakanteng puwesto ni dating commissioner Renato Bañez.

Si Bañez ay umalis sa puwesto dahil umano hindi nito natugunan ang target tax collection na kailangan ng ahensiya.

Si Parayno ay isa sa mga "shortlist" ng Malacañang kasama dito sina Finance Undersecretary Cornelio Gison at Social Security System president Corazon dela Paz.

Ilang linggo na umanong sinusuyo si Parayno nina Executive Secretary Alberto Romulo, Finance Secretary Jose Isidro Camacho at ilang miyembro ng selections group ng Malacañang.

Sa kasalukuyan si Parayno ay nagsisilbing taga-sangguni ng World Bank at International Monetary Fund (IMF).

Noong siya ay nasa Bureau of Custom kanya ng pinasimulan ang computerization program upang mapadali ang paglalakad ng mga papeles ng mga exporter.

Napag-alaman na ang unang plano ay gawing BIR chief ang hepe ng custom na si Antonio Bernardo at si Parayno ay pabalikin sa BOC. (Ulat ni Ted P. Torres)

ANTONIO BERNARDO

BUREAU OF CUSTOM

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CUSTOMS COMMISSIONER GUILLERMO PARAYNO

EXECUTIVE SECRETARY ALBERTO ROMULO

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

FINANCE UNDERSECRETARY CORNELIO GISON

INTERNATIONAL MONETARY FUND

MALACA

PARAYNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with