OFW sa Saudi pupugutan sa Pasko
August 23, 2002 | 12:00am
May limang buwan na lamang ang nalalabi sa pamahalaan para iligtas ang isang 32-anyos na overseas Filipino worker sa Saudi Arabia na nakatakdang pugutan ng ulo ngayong darating na kapaskuhan matapos masentensiyahan ng kamatayan dahil sa pagpatay sa kanyang kasamahan sa trabaho na Nepalese noong 1999.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada Jr., chairman ng House committee on foreign relations, kung hindi kikilos ang pamahalaan ay maraming pamilya sa Pilipinas ang magluluksa sa Pasko partikular ang pamilya ni Primo Gasmen na nasa Saudi Arabia.
May 44 OFWs pa ang nasa Jeddah, United Arab Emirates at Bahrain at may mga kaso umanong murder, drug trafficking at rape.
Nangangailangan si Gasmen ng US$15,000 o P780,000 blood money para hindi ito mapugutan ng ulo o para makaligtas ito sa guillotine. (Ulat nina Malou Escudero/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended