^

Bansa

LTO collection tumaas

-
Tumaas ng may 29.88 percent ang koleksiyon ng Land Transportation Office (LTO) ngayong second quarter ng 2002 o umaabot sa P3.721 bilyon mula Enero hanggang buwan ng Hunyo ng taong ito na higit na mas malaki kung ikukumpara sa P2.865 bilyon noong 2001 sa kaparehong period.

Sa record ng LTO Management Information Division (MID), nakuha ang may pinakamataas na kinita ng ahensiya mula sa Motor Vehicle User’s Charge, pangalawa sa registration ng mga sasakyan at sa license fee.

Tatlong rehiyon ang nanguna sa mga LTO offices na nagbigay ng malaking kita sa ahensiya, ang National Capital Region, Region 4 at Region 3.

Sinabi ni LTO chief Roberto Lastimoso na ang naturang hakbang ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaang Arroyo hinggil sa pagpapabuti ng mga sistemang ipinatutupad ng ahensiya tulad ng pinaghusay na pagrerehistro ng mga sasakyan at pinabilis na issuance ng drivers license.

Sa kasalukuyan, wala pang 30 minuto ang renewal ng drivers license at mabilis na ring makakakuha ng claims ang mga benepisyaryo ng insurance para sa mga nairerehistrong sasakyan dahil sa Information Technology (IT) program na ipinaiiral ng ahensiya.

Sa pamamagitan ng IT system, agad nalalaman ang mga taong hindi maaaring bigyan ng driver’s license at hindi maaaring mairehistrong mga sasakyan nationwide. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

ENERO

HUNYO

INFORMATION TECHNOLOGY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANAGEMENT INFORMATION DIVISION

MOTOR VEHICLE USER

NATIONAL CAPITAL REGION

ROBERTO LASTIMOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with