Flavier bagong Senate Pro-Tempore
August 13, 2002 | 12:00am
Pormal nang isinagawa kahapon ang reorganisasyon sa Senado kung saan ay itinalaga na bilang pangalawang pinakamataas na lider ng Mataas na Kapulungan si Senator Juan Flavier bilang bagong Senate President Pro-Tempore kapalit ni Sen. Manuel Villar.
Inihayag kahapon ni Senate President Franklin Drilon ang revamp sa mga committee chairmanships kung saan ay pamumunuan ngayon ni Villar ang finance at foreign relations committees habang mananatili naman kay Flavier ang committee on health and demography.
Napunta naman kay Sen. Ramon Magsaysay Jr. ang pamumuno sa committee on agriculture and food habang ito din ang chairmen ng national defense and security, science and technology at banks and financial institutions.
Mananatili namang Senate Majority Leader si Sen. Loren Legarda-Leviste kung saan ay mananatili ding chairwoman ito ng rules committee.
Walong komite lamang mula sa 36 outstanding committees ang pamumunuan ng mga miyembro ng oposisyon habang ang 24 komite ang hawak ng majority bloc.
Ang tanging naging pagbabago ay ang pagkawala sa pamumuno ni Sen. John Osmeña sa committee on finance at local government habang napanatili naman nito ang pamumuno sa government corporations and public enterprises.
Kabilang sa nanatili sa kanilang pinamumunuang komite sina Senators Edgardo Angara (constitutional amendments, revision of laws and codes), Tessie Aquino-Oreta (civil service), Rodolfo Biazon (cooperatives), Loi Estrada (youth women and family relations), Gringo Honasan (peace unification and reconciliation) at Vicente Sotto (public information and mass media) habang inaasahan namang mapupunta kay Sen. Aquilino Pimentel Jr. ang committee on local government dahil magbibitiw itong minority leader na inaasahang hahawakan naman ni Sotto. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest