^

Bansa

Utang ng Arroyo gov't, P382-B

-
Sa loob lamang nang 14-buwang panunungkulan ay umabot sa P382 bilyon ang nautang ng administrasyong Arroyo.

Ito ang ibinunyag kahapon ni House Minority Leader Carlos Padilla kaugnay sa lumalaking utang ng bansa dahil na rin aniya sa kabiguan ng gobyerno na ipatupad ang pagtitipid sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Padilla na ang inutang ng kasalukuyang gobyerno ay mahigit pa sa pinasok na pagkakautang ng mga nakaraang administrasyon sa kahalintulad ding panahon.

Hindi aniya imposible na mahigit na ngayon sa P3 trilyon ang utang ng national government dahil sa panibagong utang na pinasok ng administrasyong Arroyo.

Noong Disyembre ng nakaraang taon ay umaabot na sa P2.88 trillion ang utang ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Padilla na kung hindi titigil sa pangungutang ang administrasyong Arroyo ay siguradong dodoble pa ang mauutang nito bago dumating ang presidential elections sa 2004.

Ang dapat aniyang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay ang pagpapalakas sa revenue collection upang hindi na lumaki ang budget deficit ng bansa at lalo pang madagdagan ang utang ng Pilipinas. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

ADMINISTRASYONG

HOUSE MINORITY LEADER CARLOS PADILLA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NOONG DISYEMBRE

PADILLA

PILIPINAS

SINABI

ULAT

UTANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with