Batas ni Duterte pang-gubat daw
July 14, 2002 | 12:00am
Pinayuhan kahapon ni Senator Blas Ople si PNP Chief Hermogenes Ebdane na magiging masahol ang kanyang pamumuno sa ating pulisya kung pakikinggan nito ang pamamaraan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para mahinto ang kidnapping sa bansa.
Sinabi ni Ople, wala sa tamang direksyon ang nais ni Mayor Duterte para masugpo ang kidnapping sa bansa dahil katumbas naman nito ay paglabag sa karapatang pantao.
Wika pa ni Ople, dapat maging maingat si Ebdane sa kanyang isasagawang hakbang para labanan ang kriminalidad sa bansa partikular ang kidnapping. Aniya, ang binitiwang pangungusap ni Duterte sa nakaraang anti-kidnapping summit na "an eye for an eye, a tooth for a tooth policy ay maituturing na batas lamang sa kagubatan at hindi dito sa kalunsuran.
Sabi pa ng senador, dapat ay alalahanin ni Ebdane na sa pagtupad niya sa kanilang tungkulin bilang pinuno ng pulisya na may responsibilidad na sugpuin ang kriminalidad ay hindi dapat niya isantabi ang pagbibigay ng respeto sa karapatan ng bawat indibidwal.
Maging si Teresita Ang-See ng Citizens Action Against Crime ay tutol sa nais na mangyari ni Duterte para sugpuin ang kriminalidad sa bansa habang ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce sa pamumuno naman ni John Ng ay sinuportahan ang plano ni Duterte para wakasan ang kidnapping sa bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest