^

Bansa

350 batang estudyante nalason!

-
Umaabot sa kabuuang bilang na 350 na mga batang mag-aaral ng grade 1 hanggang grade 6 na pawang nasa edad 7 hanggang 12 ang isinugod sa ibat-ibang pagamutan kahapon matapos na ang mga ito ay malason noong Biyernes makaraang kumain ng tuna sandwich at noodles mula sa canteen ng Thomas Earnshaw Elementary na nasa Punta Sta. Ana, Maynila.

Sa pinakahuling ulat kahapon ay nabatid na mayroong 57 ang nasa Philippine General Hospital (PGH); 32 sa Lourdes Hospital sa Mandaluyong City; 250 sa Ospital ng Maynila; 11 sa Mandaluyong City Medical Center.

Ang mga biktima na pawang residente ng Sta. Ana district ay pare-parehong nakaranas ng common symptoms at signs ng serious food poisoning tulad ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagkahilo, pagtatae at pagkaupos ng lakas.

Nabatid sa mga attending medical personnels ng mga nabanggit na pagamutan na humigit kumulang na 24 oras makaraang makakain ang mga biktima ng umano’y tuna sandwich - noodles combo.

Ang pagkalason ng mga biktima ay bunsod umano sa mahigpit na direktiba ng school principal ng nasabing paaralan na si Dra. Ofelia Viray na magbaon na lamang ng pera upang sa school canteen bumili ng pagkain.

Sinasabing nagkakahalaga ng P5 ang halaga ng tuna-sandwich-noodle combo na siyang menu para sa recess ng mga kabataan noong Biyernes ng umaga.

Bunsod ng pangyayari ay kaagad na inalerto ni Dr. Florante Baltazar hepe ng Manila Health Department ng Manila City Hall ang mga tauhan nito upang kumuha ng sample ng nasabing menu ng eskwelahan upang matukoy kung ito nga ang pinagmulan ng pagkakalason sa mga biktima.

Kumilos din ang Department of Health at inatasan ni Sec. Manuel Dayrit si Thelma Santos na pangunahan ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Inaasahang mahaharap sa kasong administratibo ang principal ng nasabing paaralan at posibleng masibak at bawian ito ng lisensya sakaling mapatunayang nagkaroon ito ng seryosong kapabayaan na nagresulta sa pagkakalason ng mga bata. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BIYERNES

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. FLORANTE BALTAZAR

LOURDES HOSPITAL

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MANILA CITY HALL

MANILA HEALTH DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with