^

Bansa

P5-M reward ng gobyerno binigay sa aide ni Sabaya

-
Tumanggap ng gantimpalang P5 milyon mula kay Pangulong Arroyo si Gardo Ibrahim, ang informer na nagbigay ng impormasyon sa militar sa planong pag-alis ni Abu Sabaya sa Sibuco, Zamboanga del Norte noong Biyernes, Hunyo 21 na nagresulta sa engkuwentro nila sa mga sundalo.

Ang mahalagang impormasyong tinanggap ng militar mula kay Ibrahim ang naging daan din sa pagkakaaresto sa limang lider ng ASG at apat pang miyembro ng grupong bandido.

Si Ibrahim ay nagsilbing courier ng grupong bandido hanggang siya ay maging close-in aide ni Sabaya.

Ayon sa militar, si Ibrahim ang nagbigay sa kanila ng impormasyon na nangangailangan ng bangka si Sabaya noong madaling araw ng Hunyo 21 para umalis sa Sibuco.

Kasama si Ibrahim sa siyam na pasahero ng bangka noong madaling araw na iyon at saksi sa pagkakabaril ng mga sundalo kay Sabaya na siyang ikinamatay nito.

Samantala, tutulong na ang naval expert ng America para mas mapadali daw ang paghahanap sa katawan ng nabaril at sinasabing napatay na si Sabaya sa karagatan ng Sibuco.

Katulong ng Phil. Navy ang US Navy Seals sa paghahanap sa katawan ni Sabaya kung saan pinag-aaralan ng mga eksperto ang galaw ng dagat.

Ito’y sa kadahilanan iba-iba raw ang tagal ng katawan sa tubig at merong inaabot ng ilang araw bago lumutang. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ABU SABAYA

GARDO IBRAHIM

HUNYO

IBRAHIM

LILIA TOLENTINO

NAVY SEALS

PANGULONG ARROYO

SABAYA

SI IBRAHIM

SIBUCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with