Buong Zamboanga naghahanap na rin kay Abu Sabaya
June 24, 2002 | 12:00am
Hindi lamang mga divers ang naghahanap ngayon sa bangkay ng napaslang na Abu Sayyaf spokesman na si Abu Sabaya. Maging ang buong residente ng coastal town ng Sibuco, Zamboanga del Norte ay nagkainteres at nakisali na rin sa pagsisid at paghahalughog sa karagatan at palibot nito dahil na rin umano sa P50,000 pabuyang ipinalabas ng pamahalaan sa kung sino man ang makakakuha sa bangkay ng kilabot na lider.
Sinabi ni Commodore Ernesto de Leon, hepe ng Southern Naval Forces, hindi titigil ang pamunuan ng AFP sa paghahanap sa bangkay ni Sabaya at kahit buto nito o bungo na lamang ang natitira ay kukunin nila.
"All the way na ito. This is for the Filipino people. We are hoping for the best," ani de Leon.
Iginiit ni de Leon na patay na si Sabaya dahil ito ang lumabas sa kanilang imbestigasyon matapos itong mabaril kasama ang dalawa pa niyang tauhan ng mga elemento ng Navy Special Warfare Group sa Sibuco noong nakaraang Biyernes. Ang tatlo ay nagsitalon sa dagat at pinaniniwalaang mga patay na dahil na rin sa natadtad ng bala ang mga katawan nito.
"Strong current and shark infested ang dagat at napakalalim din," ani de Leon.
Katulong din sa paghahanap kay Sabaya ang aerial at naval search. "Lahat sila ay nagsasagawa ng coastal search para makita siya. Ginagawa ito para mabigyan ng peace of mind ang lahat," ani de Leon.
"We just have to recover even Sabayas skull to compare it with the dental or medical records of the bandit just to prove that the military had killed him in encounter last Friday," sabi nito.
Samantala, walang itinakdang deadline ang Malacañang sa AFP para tapusin ang paghahanap sa bangkay ni Sabaya.
Ayon kay acting Press Secretary Silvestre Afable, mahirap magbigay ng deadline sa ganitong search operation pero nasa AFP na umano kung ano ang assessment at recommendation nila. (Ulat nina Jhay Mejias at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am