^

Bansa

Filipino Veterans Equity Bill sa US hiniling na isabatas

-
Hiniling ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) kahapon sa US Senate na bigyan ng katarungan ang mga beteranong Pilipino matapos ang 50 taon sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Filipino War Veterans Equity Bill.

Nakipagpulong sa Washington si retired Col. Emmanuel de Ocampo kay Sen. Daniel Inouye ng Hawaii, isang beteranong may-akda ng panukalang batas, para igiit ang kahilingan ng mga nabubuhay pang beterano ng World War II.

Si de Ocampo, pangulo ng VFP, ang isa sa mga lider ng delegasyon ng mga beterano at mga kongresistang Pilipino na nangangampanya sa Estados Unidos upang maipasa ang Equity Bill sa US Senate kahit na ang mga probisyon nito ay tinututulan ng ilang opisyal ng US Veterans Administration (USVA).

Ayon kay de Ocampo, ang hanay ng mga World War II veterans ay unti-unting nababawasan at maaaring kaunti na lamang ang makinabang sa Equity Bill sakaling ito ay maisabatas.

Gustong baguhin ng mga Pilipinong beterano ang Rescission Act of 1945 na nagtakda lamang ng $0.50 na benepisyo sa Pilipinong beterano sa bawat $1 para sa mga Amerikanong beterano. Sinisikap ni Inouye na ayusin na ang problemang ito.

Sa kasalukuyan, ang mga beteranong Pilipino ay binibigyan ng 75 porsiyento ng kanilang Supplemental Security Income (SSI) sa US bukod sa kanilang mga pension at iba pang biyaya sa kanilang anak.

Ayon kay de Ocampo, kahit na kinukuwestiyon ng USVA ang pagtaas ng pensiyon ng mga beteranong Pilipino, nararapat lamang na isaayos na ng US Senate ang kasalatan ng suporta sa mga beteranong Pilipinong lumaban sa puwersang Hapones kahit na sumuko ang mga puwersang Amerikano.

Ang mahalaga ay mabigyan ng karapat-dapat na pagtustos ang mga beteranong naririto sa Pilipinas at iwasto ang kamaliang nanatili sa higit na 50 taon, dagdag ni de Ocampo.

AYON

DANIEL INOUYE

EQUITY BILL

ESTADOS UNIDOS

FILIPINO WAR VETERANS EQUITY BILL

OCAMPO

PILIPINO

PILIPINONG

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with