Opposition senators kumalma
June 11, 2002 | 12:00am
Yumuko kahapon ang grupo ng oposisyon sa kampo ni Senate President Franklin Drilon matapos kanselahin ng mga ito ang itinakda sanang mga pagdinig ng ibat ibang komite.
Ito ang naging resulta sa panimulang pakikipag-usap ng kampo ni Sen. Drilon sa grupo ng oposisyon sa Senado upang hanapan ng agarang solusyon ang umiiral na krisis dito.
Sinabi ni Drilon, nagkaisa sila nina Senators Aquilino Pimentel Jr. at Edgardo Angara na pansamantalang huwag ituloy ang nakatakda sanang committee hearings ng tinaguriang new majority habang naghahanap ng solusyon ang dalawang kampo sa kasalukuyang kaguluhan sa Senado.
Aniya, lilikha lamang ng panibagong gulo ang pagdaraos ng pagdinig ng mga komite dahil hindi batid ng mga iimbitahang resource persons kung sino ba talaga ang namumuno sa mga komite na kanilang dapat daluhan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest