^

Bansa

FPJ-Gringo sa 2004

-
Habang abalang pinalalakas ng mga kaalyadong partido ni Pangulong Arroyo ang kani-kanilang pampulitikang makinarya ay sinimulan na nina Senador Gregorio "Gringo" Honasan at ang tinaguriang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando "FPJ" Poe Jr., ang posibleng tambalan nila sa 2004 presidential derby.

Umugong ang paglulunsad ng tambalang ito kasunod ng napabalitang nag-miting ang dalawa sa isang hotel upang umano’y dito pag-usapan kung paano magtutulungan ang kani-kanilang puwersa upang mailuklok sa Malacañang ang karapat-dapat na pangulo ng Pilipinas sa 2004.

Bagamat ang mga tauhan nina FPJ at Gringo na kasama nila sa naturang miting ay nagdedeklarang isang "social dinner" lang ang nangyari, hindi maiwasan ang mga ispekulasyon na ang main agenda ng naturang "sosyalan" ay ang halalan sa 2004.

Tumanggi naman ang aide ni Honasan na si Peachy Urquiola na sabihin kung sinu-sino ang mga dumalo sa naturang "social dinner" at kung ano ang napag-usapan nila doon.

"Ang yumaong kapatid ni Sen. Honasan na si Don ay matalik na kaibigan ni Freddie Poe, kapatid ni Mr. Fernando Poe, Jr. kaya nagkaroon ng maliit na pagtitipon sina Sen. Honasan, Mr. Poe at ang kanilang mga pamilya noong Huwebes ng gabi sa EDSA Plaza Hotel," ani Urquiola.

FREDDIE POE

HONASAN

MR. FERNANDO POE

MR. POE

PANGULONG ARROYO

PEACHY URQUIOLA

PLAZA HOTEL

POE JR.

SENADOR GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with