P5-M sa inulila ni Dexter
June 4, 2002 | 12:00am
Dahil na rin sa kapalpakan ng mga pulis na rumesponde, iginiit kahapon ng Senado na bayaran ng P5 milyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang pamilya ng 4-anyos na batang si Dexter Balala matapos mapatay sa naganap na hostage-taking noong nakaraang Biyernes ng madaling araw sa bus terminal sa Pasay City.
Sa Senate resolution 347 na iniakda ng mga miyembro ng oposisyon, nakasaad na dapat lamang bayaran ng P5 milyon ng DILG at PNP ang pamilya ni Dexter dahil namatay ang bata bunga ng tinamong tama ng bala at hindi mula sa saksak nito sa katawan nang i-hostage ni Diomedes Talbo.
Hiniling din nito na magsagawa ng imbestigasyon ang Senate committee on public order and illegal drugs na pinamumunuan ni Senator Robert Barbers at Senate committee on justice and human rights na pinamumunuan naman ni Sen. Francis Pangilinan, upang matukoy ang naging pagkukulang ng pulisya sa naganap na hostage-drama na nagresulta sa pagkamatay ng batang biktima.
Sinabi pa ng mga senador, kailangang sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga pulis na matutukoy na responsable sa pagkamatay ni Dexter mula sa bala na tumama dito.
Ayon naman kay Sen. Pangilinan, dapat ay kasong simple homicide o murder ang isinampa laban sa 10 pulis na nagpaputok ng baril sa naganap na hostage drama at hindi reckless imprudence resulting to homicide kapag napatunayan na lasing ang mga pulis na nagresponde sa pangyayari at nanggaling sa isang inuman sa Roxas blvd., Pasay City.
Magugunita na hinostage ni Talbo ang batang si Dexter noong Mayo 31 ng madaling araw sa loob ng Philtranco bus terminal kung saan ay tumagal ng 2-oras ang hostage-taking at kumilos lamang ang mga pulis ng simulang pagsasaksakin ng hostage-taker ang biktima at saka pinagbabaril si Talbo na ikinadamay ni Dexter.
Sa awtopsiya ng mga awtoridad, lumitaw na ang kumitil kay Dexter ay ang tinamo nitong apat na tama ng bala sa katawan at hindi ang saksak dahil pawang mabababaw lamang ito.
Ipapatawag din ng Senado ang manager ng East Asia KTV upang maging balanse ang isasagawang pagdinig ng Senado.
Ayon kina Barbers at Pangilinan, dapat magmula mismo sa bibig ng manager ng East Asia kung nagmula nga sa kanila ang mga pulis na iniulat na lasing ng magtungo sa hostage-taking.
Maging ang sinibak na hepe ng Pasay police na si Supt. Eduardo dela Serna hanggang sa pinakamababang ranggo ng pulisya ng Pasay ay ipapatawag din ng Senado.
Samantala, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Dante Lantin na inaasahan nilang magbibigay ng paliwanag bukas ang pamunuan ng Philtranco hinggil sa naganap na hostage-taking sa terminal ng naturang bus company.
Sinabi ni Lantin na kahit hindi peak season, anumang oras ay dapat na sapat ang seguridad na naipagkakaloob sa mga pasahero ng alinmang bus company.
Kaugnay nito, sinabi ni Philtranco president Alexander Yague na pagkakalooban nila ng halagang P20,000 financial assistance ang mga naulila ni Dexter.
Nabatid din kay Yague na hanggang Hunyo 6 na lamang ng taong ito ang mga security personnel na nakatalaga sa terminal na pinangyarihan ng insidente.
Ito naman ang ipinangako kahapon ni Pangulong Arroyo. Tiniyak ng Pangulo na tutukuyin kung sino talaga ang nakabaril kay Dexter para masampahan ng kasong kriminal.
Pinayuhan din ng Pangulo ang ina ni Dexter na si Salvacion Balala na alagaan ang kalusugan alang-alang sa dinadala niyang sanggol sa sinapupunan.
Ipagdarasal ng Pangulo na maging malusog ang sanggol at maluwalhating mailuwal dahil ibinigay ito ng Panginoon kapalit ng yumaong anak na si Dexter. (Ulat nina Rudy Andal, Lilia Tolentino at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am