Marami pang testigo lalantad vs Lacson - Rosebud
May 31, 2002 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni dating confidential agent-turned witness na si Mary Rose Ong alyas Rosebud na marami pang police officer at ilang sibilyan ang handang tumestigo laban kay Sen. Panfilo Lacson sa kasong Kuratong Baleleng rubout.
Sa exclusive interview ng PSN kay Rosebud, tumatayong presidente ng bagong tatag na Witness Assistance Program (WAP) Foundation na pinamumunuan din nina dating Ilocos Norte Gov. Chavit Singson bilang chairman at Dante Jimenez bilang vice-chairman, bukod kina Sr. Insp. Abelardo Ramos, Insp. Ysmael Yu, SPO1 Noel Zeno at special agent Mario Enad, marami pang police officer na ngayon ay nasa mga safehouse ang nakatakdang lumantad upang tumestigo sa Kuratong laban kay Sen. Lacson. Samantala, posible umanong bumaligtad sa kanyang unang pahayag ang nag-retract na testigo na si Armando Capile.
Ito ay matapos na pag-aralin at i-enroll ang kanyang mga anak ng WAP sa pamumuno umano ni Rosebud na nabigong makapag-aral dahil sa limang taong pagtatago nito matapos na lumantad upang tumestigo sa Kuratong. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest