^

Bansa

LDP susuporta pa rin kahit nagboykot sa Pol Summit

-
Binoykot man ang political summit, ipinahayag kahapon ng Laban ng Demokratikong Pilipino na sinusuportahan pa rin naman nila ang mga panukala at mga hakbang na isinusulong sa naturang pulong.

Sinabi ni Senador Edgardo Angara, presidente ng LDP, nagkausap na sila ni House Speaker Jose de Venecia, ang convenor ng political summit at ginarantiyahan na niya ito na susuportahan ng buong-buo ng kanyang partido ang ilang mga panukala upang maalis ang korupsyon, pandaraya at "bata-bata" system sa pulitika.

Ipinaliwanag pa ni Angara na ang protesta ng oposisyon laban sa umano’y mapanili na gawain ng administrasyong Arroyo ay kaiba naman sa kanilang prinsipyo na tumulong upang magkaroon ng pagbabago sa kondisyon ng ekonomiya at pulitika ng Pilipinas.

Nabatid na ilan sa mga panukala na susuportahan ng LDP sa ngalan ng "bipartisan cooperation" ay ang Absentee-Voting Measure, Poll Modernization Act, Political Party Act at Campaign Finance Reform Act.

Magugunita na nag panukalang absentee-voting na may layuning magbigay ng karapatan sa may pitong milyong overseas Filipino workers na makaboto ay kasalukuyang pinag-aaralan ngayon at isinusulong ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Angara. (Ulat ni Rudy Andal)

ABSENTEE-VOTING MEASURE

ANGARA

CAMPAIGN FINANCE REFORM ACT

CONSTITUTIONAL AMENDMENTS AND ELECTORAL REFORMS

DEMOKRATIKONG PILIPINO

HOUSE SPEAKER JOSE

POLITICAL PARTY ACT

POLL MODERNIZATION ACT

RUDY ANDAL

SENADOR EDGARDO ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with