^

Bansa

20% discount ng senior citizens sa kuryente, tubig, telepono isinulong

-
Isinulong kahapon ni Caloocan Rep. Enrico Echiverri sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ang mga senior citizens nang 20% discount sa basic services tulad ng kuryente, tubig at telepono.

Sa ilalim ng House Bill 4564, iginiit ni Echiverri na kinakailangang maging mas affordable sa mga senior citizens ang mga basic services partikular ang mga walang sapat na pinagkakakitaan. Nakasaad dito ang pagkakaloob nang 20% para sa senior citizens na ang annual income ay hindi umaabot sa P100,000 sa kanilang bayarin sa tubig, kuryente, telepono at iba pang serbisyo.

Ang hakbang ay mistulang pag-amyenda rin sa RA 76432 o Senior Citizens Act na nagbibigay ng 20 diskuwento sa senior citizens sa kanilang bayarin sa transportasyon, pagbili ng gamot, bayad sa hotel, restaurant at iba pang recreation centers.

Nauna rito, naghain din ng panukalang batas si 2nd district, Laguna Rep. Joaquin Chipeco na humihiling na itaas hanggang sa 40% ang discount privilege na ito. (Ulat ni Joy Cantos)

CALOOCAN REP

ECHIVERRI

ENRICO ECHIVERRI

HOUSE BILL

ISINULONG

JOAQUIN CHIPECO

JOY CANTOS

KAMARA

LAGUNA REP

SENIOR CITIZENS ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with