Jancom deal ibabasura ng Pangulo
April 18, 2002 | 12:00am
Hindi pipirmahan ni Pangulong Arroyo ang pinagtatalunang P390 bilyong Jancom deal na sinasabing lulutas sa problema sa basura sa Metro Manila.
Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo matapos sabihin ng Korte Suprema na bahala na ang Presidente na magdesisyon kung beneficial o hindi ang kontrata sa pamahalaan.
Ipinaliwanag ng Pangulo na hindi siya kailangang magmadali na pirmahan ang depektibong kontrata dahil ang administrasyong ito ay kumpleto na ang garbage needs. Sinabi niya na may sanitary landfill sa Rodriguez, Rizal, meron pang itinatayo sa Quezon City at may ecocenter sa Smokey Mountain sa Tondo, Manila.
Ipinauubaya na nito sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na pag-aralan kung advantageous o hindi sa gobyerno ang kontrata.
Sinabi ng Pangulo na matapos niyang pakinggan ang mga reklamo at pagkatapos din ng kanyang pag-aaral, hindi niya muna pipirmahan ito.
Ang Jancom deal ay kinukuwestiyon dahil gagamit dito ng incinerator na kontra sa umiiral na Clean Air Act.
Gayunman, nilinaw ng Pangulo na ipinauubaya na nito sa Kongreso kung nais na amyendahan ang batas upang magpahintulot sa paggamit ng incinerator. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended