^

Bansa

QC Task Force El Niño, itatag na- Vargas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Que­zon City Councilor Alfred Vargas ang agarang pagbuo ng Task Force El Niño para matugunan ang epekto ng matinding init, dry spells, malakas na ulan, at kakulangan sa tubig.

Si Vargas, chair ng Committee on Disaster Risk Reduction, ay nagsabing makakapaglatag agad ng plano ang lokal na pamahalaan para protektahan ang mamamayan, tiya­kin ang supply ng tubig, at palakasin ang urban resilience. Ito’y tugon din sa panawagan ni Mayor Joy Belmonte na laging maging handa sa krisis dulot ng climate change.

Kasabay nito, hiniling ni Vargas ang inquiry in aid of legislation kaugnay ng sunud-sunod na sunog sa QC. Pangungu­nahan ito ng kanyang komite at ng Committee on Laws upang talakayin ang ugnayan ng extreme climate patterns at pagtaas ng fire incidents, pati na ang building regulations at water retention policies.

Batay sa datos ng BFP, tumaas ng 36% ang insidente ng sunog sa bansa sa unang kalahati ng 2026, na inuugnay sa El Niño. Sa QC, 3,186 pamilya ang naapektuhan at milyon ang halaga ng pinsala.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with