^

Bansa

‘Kiyapo’ nag-landfall sa Cagayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Kiyapo’ nag-landfall sa Cagayan
Ayon sa PAGASA, alas-5 ng hapon kahapon ay namataan si Kiyapo sa baybayin ng Calayan Island at kumikilos pakanluran-hila­gang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras. Taglay nito ang 85 kph na lakas ng hangin malapit sa gitna at pagbugso na 105 kph.
PAGASA

MANILA, Philippines — Nag-landfall na ang bagyong Kiyapo sa may Camiguin Island, Calayan, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, alas-5 ng hapon kahapon ay namataan si Kiyapo sa baybayin ng Calayan Island at kumikilos pakanluran-hila­gang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras. Taglay nito ang 85 kph na lakas ng hangin malapit sa gitna at pagbugso na 105 kph.

Nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, Hilagang bahagi ng Caga­yan kasama ang Babuyan Islands, Hilagang bahagi ng Apayao at Hilagang bahagi ng Ilocos Norte.

Patuloy na kikilos si Kiyapo sa kanluran-hilagang kanluran hanggang Sabado, Hulyo 25, sa Luzon Strait at West Philippine Sea bago mu­ling pumihit hilagang-kanluran papuntang hilaga sa nalalabing forecast period.

Inaasahang lalakas pa si Kiyapo habang bumabagtas sa Extreme Northern Luzon at posibleng maging severe tropical storm pagkalampas ng Babuyan Islands.

Si Kiyapo ay lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with