^

Bansa

Napoles, kulong ng 350 years sa ghost projects

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Napoles, kulong ng 350 years sa ghost projects
In this file photo, jail guards escort Janet Lim-Napoles to the Sandiganbayan for a hearing on January 20, 2016.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Mabubulok na sa kulungan ang negosyanteng si Janet Lim Napoles matapos hatulang guilty ng Sandiganbayan at patawan ng mabigat na sentensiya kaugnay sa P50 milyong ghost projects sa Luzon.

Si Napoles ay nahatulan ng 20 taong kulong sa bawat count ng kasong malversation o kabuuang 200 taon sa 10 counts, at 15 taong kulong sa bawat count ng kasong graft o kabuuang 150 taon sa 10 counts. 

Kasama niyang nahatulan si dating Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Jerry Pacturan na guilty sa 10 counts ng malversation of public funds through falsification of public documents. Siya ay sinentensiyahan ng 19 na taong kulong sa bawat count o 190 taon. Acquitted naman si Pacturan sa kasong graft dahil nabigong maidiin ng prosekusyon. Pinagmumulta rin si Napoles at Pacturan ng tig-P5 milyon sa bawat counts ng kanilang kaso.

Ayon sa prosekusyon, si Pacturan, noon ay DAR Undersecretary for Support Services, ang pumirma sa 2011 memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng 10 local government units at 10 non-government organizations na umano’y konektado kay Napoles.

Nakasaad sa MOA na dapat tumanggap ang bawat LGU ng tig-P5 milyon halaga ng farm inputs mula sa mga NGO. Ngunit hindi natupad ang proyekto. Sa korte, walong mayor mula Bulacan, Batangas, Pangasinan at Quezon ang nagpapatunay na peke ang kanilang lagda sa mga letter request para sa pondo.

JANET LIM NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with