Dinukot sa Gensan biro lang
April 18, 2002 | 12:00am
Naglayas lang at hindi totoong kinidnap at pinaslang ng mga pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom group ang anak na babae ng may-ari ng isang resort sa General Santos City.
Sa isang phone interview, sinabi ni Brig. Gen. Raul Relano, deputy ng Armys 6th Infantry Division (ID) na pormal ng nakabalik sa kanyang nag-aalalang pamilya si Joy Ariston, 29.
Ayon kay Relano, base na rin sa nakuha nitong impormasyon sa kanyang mga tauhan ay palabas lamang umano ni Joy na kinidnap siya upang sa pamamagitan nito ay mabatid kung mahal siya ng kanyang mga magulang na umanoy labis na abala sa kanilang negosyo at wala ng panahon sa kanya.
Si Joy, anak ng negosyanteng si Greg Ariston, may-ari ng Villa Aurora Swimming resort ay iniulat na nawala simula pa noong Lunes kung saan nakatanggap ng text message ang mga magulang nito na kinidnap siya ng mga armadong kalalakihan.
Bukod dito, sinundan pa ito ng text message na pinaslang na umano ang biktima ng kanyang mga kidnaper subalit ang lahat nang ito ay nabatid na walang katotohanan.
Sinabi ni Relano na maaring kulang lang sa pagmamahal at atensiyon si Joy mula sa kanyang mga magulang kaya pinalabas nitong kinidnap na siya ng mga awtoridad.
Napilitan umano si Joy na lumantad at magpasundo sa kanyang inang si Sonia Ariston matapos na mabatid na pinaghahanap na siya ng mga awtoridad.
Napag-alaman na mula ng umalis si Joy sa kanilang tahanan sa Pioneer Ave., General Santos City ay bumiyahe lamang ito at naglibot para mamasyal sa Cagayan de Oro, Bukidnon at Sarangani.
Sa pahayag naman ni Mrs. Ariston, nawala ang kanyang anak matapos magdeposito ng P5,000 sa Insular Bank bandang alas-9:30 Huwebes ng umaga.
Bandang 5:30 ng hapon ng nasabing araw ay nakatanggap siya ng text message buhat sa cellphone ni Joy na may mensaheng "ang may hawak ng cellphone na ito ay wala na, amin na ang cell na ito, malayo na kami, condolence!"
Kinabukasan ay isa uling text message ang kanilang natanggap na nasa Bukidnon na si Joy kaya nabahala ang pamilya nito at inireport sa CIDG ang pagkawala ni Joy subalit hindi umano nila sinabing itoy kinidnap at pinaslang ng Pentagon gaya ng unang napaulat
Linggo ng gabi ay nakatanggap sila ng tawag na nasa Sarangani province si Joy at namamahinga kaya agad na itong sinundo ng kanyang pamilya at inuwi.
"Marahil pressure lamang si Joy sa trabaho kaya naisipan nitong mag-unwind na hindi nagpaalam ng maayos, nag-relax pero hindi nakidnap at pinaslang ng Pentagon," paglilinaw ng ina ni Joy.
Sa kabila nito, ipinarating pa rin ng pamilya Ariston sa mga awtoridad ang kanilang pasasalamat sa paghahanap sa kanilang anak na inakala ng mga itong totoong kinidnap at pinaslang ng kanyang mga abductors. (Ulat nina Joy Cantos,Rose Tamayo at Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am