^

Bansa

18 Abu Sayyaf sumurender

-
ZAMBOANGA CITY - Pagod na sa katatakbo sa masukal na kabundukan kaya nagpasyang sumuko ang 18 bandidong Abu Sayyaf sa Basilan.

Nabatid sa mga rebelde na gaya ng naging dahilan ng naunang mga sumurender nilang kasamahan, wala na umanong direksiyon ang kanilang pagtakbo.

Bukod sa pangambang mapulbos ng tropa ng militar, sinabi umano ng mga rebelde na napilayan na ang kanilang grupo bunsod na rin ng sunud-sunod na pagkakaaresto ng kanilang mga kaalyado na sinundan pa ng pagsuko noong nakaraang Biyernes ng kanilang kumander na si Harkim Hamid alyas Abu Aswad sa Marine Battalion Landing Team 1 sa ilalim ni Lt. Col. Eugene Clemens sa Tapiantana isand sa Sumisip.

Kasamang isinuko ng mga bandido ang kanilang mga armas.

Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang mga Abu at inaalam kung gaano kalalim at kalawak ang kanilang partisipasyon sa grupo.

Sinabi ni Army Capt. Noel Detoyato, deputy spokesman ng AFP Southern Command, ang pagsuko ng 18 bandido ang pinakamalaking grupo na nagbalik-loob sa pamahalaan simula nitong Hulyo.

Kung matatandaan, ang military at police authorities sa utos na rin ng Department of Justice ay naglunsad ng malawakang pagtugis sa mga tagasuporta at miyembro ng Abu Sayyaf na nagkukubli sa mataong lugar sa Basilan.

Samantala, patuloy ang paggalugad ng tropa sa mga pinaghihinalaang lugar na pinagtataguan ng Abu Sayyaf sa mga bihag nitong sina American couple Martin at Gracia Burnham, at Pinay nurse na si Deborah Yap. (Ulat ni Roel Pareño)

ABU ASWAD

ABU SAYYAF

ARMY CAPT

BASILAN

DEBORAH YAP

DEPARTMENT OF JUSTICE

EUGENE CLEMENS

GRACIA BURNHAM

HARKIM HAMID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with