ASG ang lumalabag sa HR hindi ang AFP - GMA
March 25, 2002 | 12:00am
Idenepensa ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga sundalong Pilipino laban sa mga akusasyon ng paglabag ng karapatang pang-tao kaugnay ng isinasagawang Balikatan 02-1 sa Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagtatapos ng Class 2002 ng Philippine Military Academy sa Fort del Pilar sa Bagiuo City, sinabi ng Pangulo na ang mga teroristang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang siyang lumalabag sa karapatang pang-tao dahil sila ang nangingidnap, nanggagahasa ng kanilang mga biktimang babae at pumapaslang ng mga bihag.
Ang mga sundalo, anang Pangulo ang siyang protektor ng sambayanan at sa pagtupad nila sa tungkulin sa pagtugis ng mga kaaway lagi nilang tinitiyak na hindi maaapektuhan ang mga sibilyan.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay may kinalaman sa pagdating sa Mindanao ng tinatawag na international peace mission na magsasagawa ng apat na araw na pagsisiyasat sa tunay na nangyari sa Mindanao at sa paglahok ng mga sundalong Amerikano sa pagsasanay militar kasama ang mga sundalong mga Pilipino.
"Ang ating mga sundalo ay nagsasakripisyo na ng malaki para matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan sa kabila ng pagtugis nila sa mga kaaway. Sila ay naa-ambush habang nagsasagawa ng gawaing sibiko at habang naghahatid ng pagkain sa mamamayan," anang Pangulo.
Nababaril anya ang mga sundalo habang nagsasagawa ng misyong pangkawanggawa. "The worst violation of human rights in the world is not the soldiers, it is the terrorism. The enemy is not our Filipino soldiers, the enemy is terrorism," pahayag pa ng Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest