^

Bansa

'Hakot' na mga pro-Erap tukoy na ang pinangagalingan

-
Matapos ang masusing surveillance operations, natukoy na ng mga tauhan ng PNP ang tatlong lugar sa Metro Manila na pinagkukuhanan ng mga "hakot" na mga taong dinadala ng mga loyalista ng pinatalsik na si dating Pangulong Estrada sa tuwing maglulunsad ang mga ito ng demonstrasyon.

Sinabi ni PNP-Intelligence Group Director, P/Chief Supt. Robert Delfin, ang nasabing sentro ng recruitment ay ang mga lugar ng Payatas, Quezon City; Parola sa Baseco, Manila at Caloocan City.

Karamihan umano sa mga nire-recruit ay mula sa grupo ng mga squatters na iniidolo pa rin si Estrada.

Ayon kay Delfin, kinukuha umano ang serbisyo ng mga taong ito upang ipakitang malakas ang puwersa ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) na pinamumunuan ni Ronald Lumbao.

Gayunman, sinabi ni Delfin na hindi pa nila batid kung magkano ang ibinabayad ng PMAP sa bawat isang hinahakot ng mga itong ralista para sumama sa protesta.

Kaugnay nito, muling ipinag-utos ni PNP Chief Leandro Mendoza ang pagtugis kay Lumbao na kinasuhan ng rebelyon kaugnay ng May 1 Malacañang riot.

Si Lumbao ang sinasabing nag-udyok sa mga Erap supporters para lumusob sa Palasyo.

Nagpadala na ang PNP ng mga tauhan nito sa Caloocan City at Bulacan matapos na makatanggap ng ulat na dito nagpapalipat-lipat ng taguan si Lumbao. (Ulat ni Joy Cantos)

CALOOCAN CITY

CHIEF LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

DELFIN

INTELLIGENCE GROUP DIRECTOR

JOY CANTOS

LUMBAO

METRO MANILA

MOVEMENT AGAINST POVERTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with