Plano ng Pro-Erap walang dating sa publiko - GMA
March 3, 2002 | 12:00am
Tiniyak kahapon ni Pangulong Arroyo na hindi na makakakuha pa ng suporta sa publiko ang mga kapanalig ni dating Pangulong Estrada para maglunsad ng panibagong People Power tulad ng naganap noong Mayo 1.
Sa kanyang palatuntunang "May Gloria ang Bukas Mo," sinabi ng Pangulo na matagal nang nagsisikap ang mga kaalyado ni Estrada na mabuwag ang kanyang administrasyon at halos nagtagumpay na sila noong May 1 at muli noong Enero 20.
Sinabi ng Pangulo na mula sa 11.6 porsiyentong walang empleyo, napababa niya ito sa 9.8 porsiyento, gayunman marami pa ring walang trabaho. Ang pangako umano ni Estrada noon na ipamamahagi niya ang lupa sa mga wala nito, sa ilalim ng kanyang administrasyon may 150,000 maralitang taga-lungsod ang nabigyan niya ng karapatang makapag-ari ng lupa.
"Yong mga pangako lang noon ay tinutupad na ngayon, kaya wala akong pangamba na ang publiko ay maeengganyong sumama sa ganitong plano ng destabilisasyon," sabi pa ng Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended