Isa pang 'taga-pugot' ng Sayyaf nabulgar
February 24, 2002 | 12:00am
Hindi lamang isa kundi higit pa ang umanoy ginawang berdugo ng Abu Sayyaf matapos na mabulgar na isa pang dating hostage ang ginawang taga-pugot ng ulo ng bandidong grupo.
Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group P/Directof Nestorio Gualberto ang isa pang excutioner na si Junie Abines, umanoy kasamahan ng self-confessed executioner na si Jun Peñaflor.
Ang paglutang ng pangalan ni Abines ay nabulgar base na rin sa testimonyang binitiwan sa mga awtoridad ni Peñaflor na umanoy isa pang kasamahan niyang land surveyor mula sa Orbecido Surveying Office na dinukot ng ASG noong Nob. 18, 1994 sa Basilan ang ginawang taga-pugot.
Ibinulgar ni Peñaflor na kabilang pa sa mga kasamahan niya na kinidnap ng bandidoong grupo ay sina Jesus Bonifacio, Nelson Avellana at Danny Dabad.
Isiniwalat rin ni Peñaflor na itinurn-over siya ng kanyang mga kidnapper mula sa grupo ng napaslang na si dating ASG chieftain Ustadz Abdurajak Janjalani noong Dis. 24, 1994 sa isa pang commander ng ASG sa Upper Majahajay sa Maluso, Basilan kung saan pinuwersa silang pugutan ang kanilang mga kasamahang bihag na mag-amang sina Majahajay brgy. chairman Solomon Mayang at anak nitong si Jonathan Mayang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest