^

Bansa

Marohombsar di puwede sa Witness Protection Program

-
Malabong makapasok sa Witness Protection Program ang naarestong lider ng Pentagon kidnap-for-ransom group na si Faisal Marohombsar hinggil sa posibleng pagtestigo nito laban sa kanyang mga kasamahan.

Binigyang-diin ni Justice Secretary Hernando Perez na hindi maaaring maipailalim sa WPP si Marohombsar gaya ng gustong mangyari ng huli dahil sa bigat ng partisipasyon nito sa kidnapping for ransom sa Mindanao.

Batay sa Rule 119 Section 17 ng Rules on Criminal Procedure, hindi puwedeng tumanggap ang WPP ng isang akusado na lalabas na pinaka-guilty o may pinakamabigat na partisipasyon sa isang kaso para ito makapasok bilang testigo ng gobyerno laban sa kanyang mga kapwa akusado.

Sa kaso ni Marohombsar, hindi lamang umano isa kundi dalawa ang standing warrant of arrest nito.

Nabatid na nagpadala ng surrender feeler noon ang nasakoteng Pentagon leader bago siya naaresto pero napakaraming mga kundisyong hinihingi ito.

Kabilang sa mga kondisyon nito sa pagsuko ay ang patuloy na pamumuno niya sa mga tauhan na gagamitin umano niya sa paghabol naman sa ibang kidnaper.

Hinihinalang ang alok na boluntaryong pagsuko ni Marohombsar ay upang mabawasan ang bigat ng sentensiyang ipapataw dito sakaling makasuhan at masentensiyahan.

Hinihintay na lamang ng DOJ ang mga kaukulang ebidensiya na magdidiin kay Marohombsar sa naturang krimen para sa pagsasampa ng kasong kidnapping-for-ransom laban dito.

Ang Pentagon ang itinuturong sangkot sa serye ng pangingidnap sa Mindanao. Kasalukuyang hawak ng grupo ang Italyanong pari na si Fr. Guiseppi Pierantoni. (Ulat ni Lilia Tolentino/Grace Amargo)

ANG PENTAGON

CRIMINAL PROCEDURE

FAISAL MAROHOMBSAR

GRACE AMARGO

GUISEPPI PIERANTONI

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LILIA TOLENTINO

MAROHOMBSAR

MINDANAO

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with