Abu inulan ng bomba, 10 pa todas
February 13, 2002 | 12:00am
Sampu pang miyembro ng pinagsanib na puwersa ng Abu Sayyaf at Misuari Renegades Group (MRG) ang nasawi nang maglunsad ng "air strikes" at ground operations ang militar sa kuta ng mga bandido sa kagubatan ng bayan ng Indanan,Sulu kahapon ng umaga.
Ito ang nakuhang ulat mula kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Jose Mabanta, sa ginawang sunod-sunod na pagpapakawala ng mga bomba ang dalawang OV-10 bomber plane at MG 520 ng Philippine Air Force sa nasabing lugar.
Tinatayang aabot sa sampu sa grupo ng mga bandidong Sayyaf at MRG ang nasawi at inaasahang tataas pa ang casualties sa puspusang pambobomba ng mga operatiba ng PAF na sinimulan dakong alas-6 ng umaga na sinasabayan naman ng ground forces ng 59th Infantry Battalion ng Phil.Army.
Nabatid na habang nagsasagawa ng air strikes operations ang OV-10 bomber plane at MG 520 attack helicopter gunship ay binobomba rin ng howitzer ng ground forces ang kuta ng pinagsanib na puwersa ng mga bandidong Sayyaf at MRG.
Napag-alaman na ang massive bombardment ay bahagi nang pinalakas na operasyon ng militar laban sa mga nasabing rebeldeng grupo na sangkot sa pananambang sa tropa ng mga sundalo noong nakalipas na Biyernes sa Patikul,Sulu na limang sundalo habang isa pa ang nasugatan.
Magugunita na kamakalawa ay may sampung miyembro ng Sayyaf ang nasawi matapos makasagupa ang mga militar sa Brgy. Kabuntakas, Patikul, Sulu.
Ang lalawigan ng Sulu ay pinamumugaran nina Abu Sayyaf leaders Ghalib Andang alyas Commander Robot, Mujib Susukan at Radulan Sahiron na itinuturong mga utak sa Sipadan kidnapping matapos na dukutin ang 21 katao kabilang ang 18 Europeans sa Sabah, Malaysia noong Abril 23, 2000. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am