Gov't agency na magpoproseso sa dokumento ng seamen, hiling itatag
February 10, 2002 | 12:00am
Dahil sa napakalaki ng demand ng mga Filipino seamen sa kasalukuyan, ipinanukala ni South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Custodio na magkaroon ng isang government agency na magpoproseso sa dokumento ng mga ito.
Malaki aniya ang demand ng mga Filipino seamen sa ibang bansa dahil nasa Pilipinas ang pinakamagagaling na maritime schools sa buong Asya at mas may dedikasyon sa trabaho ang mga Filipino seafarers kumpara sa ibang nasyonalidad.
Lumalabas na sa Pilipinas nagmumula ang 20% share ng world market for seamen at sa kasalukuyan ay umaabot na sa 200,000 seamen ang nakakalat sa ibat ibang panig ng mundo.
Maliban pa sa nasabing bilang, may 200,000 pa seamen ang nakatakda nang maglayag.
Subalit sa kabila ng napakalaking demand ng mga Filipino seamen, marami naman sa mga ito ang hindi kaagad makaalis ng bansa dahil na rin sa napakahirap at mahabang proseso sa pag-aasikaso ng kanilang mga dokumento.
Sinabi ni Custodio na ilang ahensya ang sumisingil ng P65,000 para sa processing fees, bagay na nagiging hadlang para mapigilan ang paglalayag ng isang seaman.
Subalit kung magtatalaga ang pamahalaan ng isang ahensyang mangangasiwa sa pag-aasikaso sa proseso ng mga dokumento ay mas lalong magiging madali ang pag-alis ng mga seamen at lalong tataas ang maipapasok na dolyar ng mga ito sa Pilipinas. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended