^

Bansa

Overstaying officials bawal sa GMA gov't

-
Hindi na nais pang palawigin ni Pangulong Arroyo ang mga magreretiro nang opisyal ng pamahalaan na bagaman mahusay ang serbisyo ay lampas na sa edad ng panunungkulan sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na hindi ginaganyak ng kanyang administrasyon ang sistema ng pagpapalawig pa ng serbisyo ng mga opisyal na nasa edad na para magretiro.

Tugon ito ng Pangulo sa katanungan ng mga mamamahayag hinggil sa takdang pag-alis sa serbisyo ni Customs Commissioner Titus Villanueva sa Marso.

"Kung magreretiro na, kailangan nang magretiro. Mahirap para sa akin na mabigyan ng puwesto ang lahat," sabi ng Pangulo.

Si Villanueva ay noon pa sanang Setyembre 2001 nagretiro sa tungkulin sa pagsapit niya sa edad na 65 subalit pinalawig pa ng Pangulo ang kanyang serbisyo hanggang sa makahanap ng mahusay na makakapalit niya sa puwesto.

Mahusay naman anyang nagampanan ni Villanueva ang kanyang puwesto at sakaling mayroong pangangailangan sa kanyang serbisyo sa ibang tungkulin, puwede siyang mahingan ng tulong.

Papalitan si Villanueva ni Finance Undersecretary Antonio Bernardo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

CUSTOMS COMMISSIONER TITUS VILLANUEVA

FINANCE UNDERSECRETARY ANTONIO BERNARDO

LILIA TOLENTINO

MAHIRAP

MAHUSAY

MARSO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SI VILLANUEVA

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with