^

Bansa

Mga oposisyong pumipigil sa pro-poor program dapat bantayan

-
Nanawagan kahapon ang iba’t ibang sektor mula sa civil society na bantayang mabuti ang ginagawang pagharang ng mga pro-Erap at opposition senators kaugnay sa Poverty Eradication and Alleviation Certificates (PEACe) Bonds.

Ayon sa maralitang grupong Adhikain at Kilusan ng Ordinaryong Tao (AKO), napapanahon na para magsama-sama muli ang iba’t ibang sektor upang ipakita na nakatutok ang lahat hinggil sa tunay na layunin ng mga oposisyong senador kaugnay ng ginagawang panggigipit sa PEACe bonds.

Sinabi ni Ka Poneng Tolentino ng AKO na hindi sila tutol sa ginagawang imbestigasyon ng Senado ngunit dapat maging patas at hindi bias ang opposition senators na sina Tessie Aquino-Oreta at magpinsang Serge at John Osmeña.

Nagbanta naman si Bobit Librojo ng Social Democratic Caucus na mapipilitan silang maglunsad ng kilos-protesta laban sa mga bias na senador sakaling ipagpatuloy ang panggigipit sa pondo ng PEACe Bonds.

"Dapat malaman ng mamamayan kung ano talaga ang tunay na layunin ng opposition senators at kung bakit nila pinag-iinitan ang Peace bonds. Kung gusto nilang gumanti sa civil society, huwag nilang idaan sa pagkastigo sa Peace bonds dahil ang maralitang Pinoy ang tunay na naapektuhan," dagdag pa nito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ADHIKAIN

AYON

BOBIT LIBROJO

JOHN OSME

KA PONENG TOLENTINO

ORDINARYONG TAO

POVERTY ERADICATION AND ALLEVIATION CERTIFICATES

RUDY ANDAL

SOCIAL DEMOCRATIC CAUCUS

TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with