^

Bansa

Komisyon ni Erap idinaan sa account ni Dichaves?

-
Idinaan umano sa joint account ng mag-asawang Jaime at Abby Dichaves ang P189.7 milyong halaga ng komisyon na sinasabing para kay dating Pangulong Estrada.

Sa isinagawang paglilitis kahapon ng Sandiganbayan Special Division sa kasong plunder laban sa dating pangulo, kinumpirma ng testigong si Maria Socorro Yolanda de Leon, senior manager ng Bank of Philippine Island-Cubao branch na awtomatikong nailipat ang P189.7 milyong tseke na inideposito ni Dichaves noong Nob. 5, 1999 sa kanilang savings account #0107-38639-9 patungo sa current account #007-05558-7 na pag-aari rin ng mag-asawa noong Nobyembre 9, 1999.

Matatandaan na nakapangalan ang orihinal na tseke sa International Exchange Bank na nagmula naman sa SSI Management, may-ari ng ibinentang share ng Belle Corp.

Sinabi ni de Leon na nalipat ang P189.7 milyon mula sa current account ni Dichaves patungo naman sa bank account #160-625015. Subalit tumanggi si de Leon na tukuyin kung kaninong account at saang bangko nailipat ang nasabing halaga na dumaan sa account ni Dichaves.

Ayon naman sa prosekusyon, dumaan lamang kay Dichaves ang tseke at napunta ito sa Jose Velarde account sa Equitable PCI-Bank na sinasabing pag-aari ni Estrada.

Nais patunayan ng prosekusyon na nakakuha ng P189.7 milyon komisyon si Estrada matapos makialam upang bumili ang SSS at GSIS nang pinagsamang P1.8 bilyong share ng Belle. (Ulat ni Malou Escudero)

ABBY DICHAVES

ACCOUNT

BANK OF PHILIPPINE ISLAND-CUBAO

BELLE CORP

DICHAVES

INTERNATIONAL EXCHANGE BANK

JOSE VELARDE

MALOU ESCUDERO

MARIA SOCORRO YOLANDA

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with