Nida case dagok sa PNP
December 25, 2001 | 12:00am
Itinuturing ng PNP na isa sa malaking dagok sa kanila ngayong taon ang kaso ng brutal na pagpaslang sa beterana at sikat na aktres na si Nida Blanca.
Inamin ng isang PNP official na tumangging magpakilala na nag-uumpisa pa lamang silang makabangon sa nangyaring kontrobersiya bunsod na rin ng pagbaligtad sa kanyang testimonya ng self-confessed killer na si Philip "Jun" Medel Jr.
Iginiit ng opisyal na maliban sa usapin ng kudeta at malawakang krimen sa bansa na ipinupukol sa kanila ng mga kritiko ay maituturing nila na pinakamatinding kontrobersiya ang nangyaring pagbaligtad sa kanila ni Medel.
Dahil umano dito ay nademoralisa ang maraming kagawad ng pulisya partikular yaong mga tauhan ng binuong Task Force Marsha. Sa kabila nito, patuloy pa rin silang nakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation para sa ikalulutas ng kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended