P200-M pondo para sa mga sundalong magreretiro
December 23, 2001 | 12:00am
Pagkakalooban ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng P200 milyong pondo ang Retirement and Separation Benefits System ng Armed Forces of the Philippines para matugunan ang salaping kailangan sa pagreretiro ng mga sundalo sa serbisyo.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng AFP Day kamakalawa, sinabi ng Presidente na intensyon niyang maiagapay sa sahod ng mga guro sa paaralang pampubliko ang sahod ng mga sundalo sa sandaling mayroong maitalagang pondo sa pambansang badyet.
Ayon sa Pangulo, kailangan ng RSBS ang dagdag na kapital para matugunan ang pondong laan sa mga nagreretirong sundalo dahil nabatid niya mula kay Defense Secretary Angelo Reyes na ang pondo ng RSBS ay nailagay sa shares of stocks na hindi naman bumibenta.
Tinagubilinan ng Pangulo ang liderato ng AFP na ang ipagkakaloob niyang dagdag na pondong P200 milyon ay hindi na dapat na gamitin sa real estate kundi sa mapagkikitaang pamumuhunan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am