^

Bansa

Navy captain 3 beses hinimatay sa harap ni GMA

-
"Nang-agaw" ng eksena ang isang Navy captain matapos itong tatlong beses himatayin sa formation line habang nagtatalumpati si Pangulong Arroyo sa ika-66 anibersaryo ng AFP kahapon.

Alas-3:30 ng hapon nang unang bumagsak ang mahilu-hilong si Navy Capt. Ricardo Nicolas, 50. Sa tulong ng ilang kasamahan ay pilit itong tumayong muli subalit natumba.

Sa kabila nito tumayo uli si Nicolas pero bumagsak sa ikatlong pagkakataon kaya inalalayan na ang naturang opisyal ng kanyang mga kasamahan pasakay ng ambulansiya at dinala sa Camp Aguinaldo station hospital.

Nabatid na "heat stroke" ang sanhi ng pagkahimatay ni Nicolas pero may nagsasabing tumaas ang presyon nito. Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa ligtas na kalagayan na si Nicolas.

Sa kabila ng insidente, hindi naman naapektuhan ang pagtatalumpati ng Pangulo at nagpatuloy na parang walang nangyari. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP AGUINALDO

HABANG

JOY CANTOS

NABATID

NANG

NAVY CAPT

NICOLAS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

RICARDO NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with